Pinangunahan nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera ang paglulunsad ng malawakang clean-up drive





 Sinuyod ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang bawat sulok ng kabayanan ng Padre Garcia ngayong Sabado ng umaga upang magsagawa ng general cleaning—isang gawain na regular na isinasagawa ng LGU bilang ambag sa pagpapanatili ng kalinisan sa buong bayan.

Pinangunahan nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera ang paglulunsad ng malawakang clean-up drive na sabayan ding isinagawa sa lahat ng labing-walong (18) mga barangay sa bayan ng Padre Garcia.
(Contributed photos)

Post a Comment

0 Comments