LEADERSHIP THAT KNOCKS, NOT WAITS 💙
Bitbit ang hangarin na makapagdala ng mas maraming programa at proyekto para sa mga Garciano, personal na nagtungo sa Senado sina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at Konsehal Erwin "Inog" Estole upang ilatag sa mga senador ang ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng bayan ng Padre Garcia.
Kasama sa kanilang mga hiniling sa mga mambabatas ay ang karagdagang pondo para sa mga gawaing pang-imprastraktura, mga programang pangkabuhayan, at financial assistance para sa mga pinaka-nangangailangan.
Pinuri naman ng mga senador ang mga lingkod bayan ng Padre Garcia para sa kanilang inisyatiba na anila'y patunay sa marubdob na dedikasyon ng mga ito na masiguro ang maayos na buhay at magandang kinabukasan ng mga Garciano.
0 Comments