GARCIANO's PRIDE, ASEAN's CHAMPION 💙


GARCIANO's PRIDE, ASEAN's CHAMPION 💙

Ipinagbubunyi ng bayan ng Padre Garcia ang husay ng atletang Garciano kasunod ng pagkakapanalo ni Yvonne Linnettee E. Ramos, isang kabataan mula sa Brgy. Cawongan at miyembro ng De La Salle Lipa Table Tennis Team, na nag-uwi ng gintong tropeyo sa ginanap na 2nd ASEAN+ Inter-University Networking Games sa Perak, Malaysia.

Binabati ka namin, Yvonne! Sa bawat hampas ng iyong raketa at bawat puntos na iyong natamo, bitbit mo ang puso ng isang tunay na Garciano at ang hindi matatawarang galing ng lahing Pilipino. 🏓

Post a Comment

0 Comments