FROM KASIYA-SIYANG PADRE GARCIA TO MATATAG NA ALITAGTAG
Bumuhos ang magkakahalong emosyon ng mga gurong Garciano matapos nilang pormal na ihatid kahapon ang newly-promoted at bagong talagang Public Schools District Supervisor ng Alitagtag Sub-office, isang anak ng Padre Garcia na nagsilbi bilang Principal IV ng Padre Garcia Integrated National High School sa loob ng isang taon, Dr. Mary Jane Gonzales.
Kasama ng mga Garciano na naghatid kay Ma'am Mikay ang mapagmahal na ina ng bayan ng Padre Garcia, Mayor Celsa Braga-Rivera, samantalang buong-giliw naman siyang tinanggap ng mga Alitagagueños sa pangunguna ng kanilang bagong halal na punongbayan, Mayor Jo-ann Ponggos.
Si Dr. Gonzales ang ikalimang Garciano na naging pampurok-tagamasid sa kasaysayan ng bayan ng Padre Garcia kasunod nina Sir Filomeno Laylo, Ma'am Leticia Salvador, Dr. Felizardo Bolaños, at Dr. Julita Ilagan.
Bitbit ang kaniyang personal mantra na "Maglilingkod nang tapat at higit pa sa sapat," mataas ang kumpiyansa ng DepEd Top Management na ang kaniyang mga naiambag sa pagkakaroon ng isang "Kasiya-siyang bayan ng Padre Garcia" ay kaniya ring magagamit sa pagtataguyod ng isang "Matatag na Alitagtag."



0 Comments