Pinatingkad ng lokal na pamahalaan ang selebrasyon ng Pride Month sa bayan ng Padre Garcia sa pamamagitan ng mainit nitong pagsuporta sa kauna-unahang Grand Sagayla na inorganisa ng Padre Garcia LGBT Community.
Bukod sa kanilang palagiang presensiya sa mga gawain at programa ng grupo, tiniyak din ng mga lingkod bayan na sa ilalim ng kanilang pamumuno ay mananatiling protektado ang mga nasa ikatlong lahing Garciano.
0 Comments