LGU PADRE GARCIA GOES TO BURACAI DE LAIYA

Dinala ng mga Garcianong lingkod bayan ang saya ng Padre Garcia patungong Buracai de Laiya sa bayan ng San Juan kung saan ginanap noong Biyernes ang kanilang Team Building Activity—isang gawain na taunang inoorganisa ng pamahalaang bayan upang mabigyan ang mga empleyado ng pahinga at mapayabong ang kanilang samahan at pagkakaisa.
Tampok sa Team Building Activity ngayong taon ang mga kapana-panabik na palaro, naglalakihang mga premyo, talakayang may puso, at isang masaganang salo-salo na ayon sa pamunuan ay pamamaraan ng kanilang pasasalamat sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na silang nagpapadaloy ng serbisyo publiko para sa mga Garciano.
0 Comments