HEALTH KNOWS NO SEASON 💙

 



HEALTH KNOWS NO SEASON

💙
Hindi nahadlangan ng masungit na panahon ang pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa kalusugan ng mga mamamayan matapos itong mamahagi kahapon ng mga food packs, fresh milk, vegetable seeds, multivitamins at ascorbic acid sa walumpu't dalawang (82) wasted, severely wasted, underweight, at severely underweight children mula sa labing-walong (18) mga barangay sa munisipalidad.
Bahagi ang gawain ng pagdiriwang ng bayan ng Padre Garcia sa 2025 National Nutrition Month kung saan nagsagawa rin ng lecture at cooking demonstration na naglalayong maturuan ang mga magulang na magtanim at maghanda ng masusustansiyang pagkain upang matiyak ang maayos na kalusugan ng mga kabataan.

Post a Comment

0 Comments