HAPPENING NOW: Pinupuspos ng pagpapala ni kura paroko, Rev. Fr. Servando Sentales, OSJ, sa pamamagitan ng isang banal na misa ang Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) bilang pasimula ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagkakatatag ng kolehiyo.
Nagbukas noong Hulyo 2024 ang PGPC na ngayon ay nagsisilbing tahanan ng mga pangarap ng nasa humigit-kumulang isang libo at limandaang (1,500) mga kabataan.
0 Comments