Umani ng pagpapala ang mga magsasakang Garciano sa ginanap na Distribution of Farm Interventions and Seedlings mula sa lokal na pamahalaan, Municipal Agriculture Office, at Department of Agriculture Region IV-A na isinagawa kahapon sa Pick N' Go Farm sa Brgy. Cawongan.
Pinangunahan ng mga lingkod bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang pagkakaloob sa mga magsasaka ng mga pananim, kagamitang pangsaka, at tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng pitong libong piso (Php 7,000.00) para sa mga kuwalipikadong benepisyaryo ng Rice Farmers Financial Assistance (RFFA).
Samantala, pormal ding ipinakilala sa naturang gawain ang bagong talagang SB Committee Chair on Agriculture, Konsehal Ferdie Villar, na nangakong tututukan ang pagpapalakas ng kabuhayan ng mga kagaya niyang bayani ng sakahan.
0 Comments