ABISO PARA SA MGA GARCIANO



 ABISO PARA SA MGA GARCIANO

Bilang pagsunod sa direktiba na inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa kanilang Facebook page, mananatiling suspendido ang pasok ng mga kawani ng gobyerno bukas, ika-25 ng Hulyo, kung kaya't ipinababatid sa lahat ng mga Garciano na sarado ang mga tanggapan sa ating lokal na pamahalaan.
Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
Samantala, ipinauubaya naman sa pamunuan ng mga pampribadong kompanya ang pagsususpinde ng pasok ng kani-kanilang mga empleyado.

Post a Comment

0 Comments