ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Ipinababatid sa mga mamamayang Garciano na sarado ang lahat ng mga tanggapan sa lokal na pamahalaan ng Padre Garcia, maliban sa Livestock Auction Market (LAM) at Public Market, sa darating na Biyernes, ika-11 ng Hulyo, upang bigyang-daan ang taunang Team Building Activity ng mga empleyado ng pamahalaang bayan.
Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments