PADRE GARCIA, BAYANG MAKABATA

Muling namayagpag ang bayan ng Padre Garcia matapos nitong masungkit ang ikalawang pinakamataas na grado sa isinagawang 2023 Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) dahilan upang mapabilang ito sa labing-isa (11) lamang na mga munisipalidad sa buong lalawigan ng Batangas na nakatanggap ng 2023 Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG).
Buong pagmamalaking tinanggap ng mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, kasama sina Ma'am Wilma Galela, MSWDO Head, at Ma'am Jessa Marie Mendoza, MLGOO, ang plake ng nasabing pagkilala na iginawad kasabay ng ginanap na League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Batangas Chapter Meeting ngayong Martes sa Valentino Resort & Spa, San Jose, Batangas.
0 Comments