Binigyang-kahulugan ng mga Garciano ang linyang "Kasiya-siya areng Garcia" sa matagumpay, makabuluhan, at makulay na hosting ng bayan ng Padre Garcia ng 2025 Division Brigada Eskwela Kick-off Ceremony ng lalawigan ng Batangas na ginanap sa Padre Garcia Central School ngayong Martes, ika-10 ng Hunyo.
Dinaluhan ang naturang gawain ng mga miyembro ng Schools Division of Batangas Top Management, mga delegado mula sa iba't ibang bayan sa probinsya, mga education partners, at mga elected officials kabilang sina Bokal Melvin Vergara Vidal, Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
0 Comments