Higit na mapagbubuti ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pangunguna ni Engr. Rouel Kasilag ang pamamahala sa mga basurang nakokolekta sa buong bayan ng Padre Garcia sa pamamagitan ng bagong asher machine na binili ng lokal na pamahalaan.
Personal na nagtungo sa Municipal Material Recovery Facility (MRF) sa Brgy. Payapa ang masipag na lingkod bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, upang inspeksyunin ang bagong makina at alamin ang iba't ibang proseso na isinasagawa sa naturang pasilidad.
0 Comments