Pinalakas ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ang diwa ng nasyonalismo, pagkakaisa, at katapatan sa paglilingkod sa bayan sa isinagawang flag raising ceremony ngayong Lunes ng umaga sa Padre Garcia Municipal Auditorium.
Malugod ding ibinalita ng mahusay na lingkod bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, ang pagkakahirang sa bayan ng Padre Garcia bilang Top 2 sa Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) 2023 na aniya'y inspirasyon upang higit pang pag-ibayuhin ang serbisyo publiko para sa mga Garciano.
0 Comments