Kuminang ang husay ng kabataang Garciano sa pagsisimula ng panibagong linggo matapos kilalanin sa isinagawang flag raising ceremony ngayong Lunes ng umaga ang mga manlalarong nagwagi sa 2025 Division & Regional Sports Athletic Association Meet.
Buong pasasalamat namang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan sa mga atleta ang kanilang cash incentives bilang pagpupugay sa karangalang ibinigay nila sa bayan ng Padre Garcia.
0 Comments