ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Sinisikap ng lokal na pamahalaan na maibaba sa bayan ng Padre Garcia ang pagkuha ng Pag-IBIG Loyalty Card kung kaya't minarapat ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na magsagawa ng registration upang matukoy ang bilang ng mga Garcianong interesado sa nasabing programa.
Para sa mga nagnanais magpatala, mangyaring makipag-ugnayan kay Gng. Janeth Hernandez, Pag-IBIG Partner Personnel, sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan:

0926-638-7975

janethhernandez.0118@gmail.com
0 Comments