HAPPENING NOW: Pinayayabong ng mga magsasakang Garciano ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng isinasagawang Farmer's Field Day sa UP Los Baños ngayong araw na nilahukan ng Municipal Agriculture’s Office at Municipal Agricultural and Fisheries Council (MAFC) katuwang ang iba’t ibang sektor ng agrikultura.
Ang matagumpay na paglahok ng mga Garciano sa nasabing gawain ay naging posible sa pamamagitan ng walang humpay na suporta ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng ating mapagkalingang ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, na patuloy na nagsusulong ng makabagong kaalaman at teknolohiya para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bayan ng Padre Garcia.
0 Comments