Operation Tuli sa Padre Garcia Cultural & Sports Center na handog ng Municipal Health Office (MHO





 Dinagsa ng nasa humigit-kumulang apat na daang (400) mga kalalakihang Garciano ang inilunsad kahapon na Operation Tuli sa Padre Garcia Cultural & Sports Center na handog ng Municipal Health Office (MHO) sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Padre Garcia.

Ito ang kauna-unahang pakikipagsanib-pwersa sa lokal na pamahalaan ng Rotary Club of Padre Garcia ngayong Rotary Year 2025-2026 sa ilalim ng pamumuno ng kanilang bagong Pangulo na si Gng. Mary Rose Briones.

Post a Comment

0 Comments