Oathtaking ceremony





 Ipinahayag ng mga bagong halal na opisyales ng pamahalaang bayan, na pinangungunahan nina Mayor Celsa Braga-Rivera at Vice Mayor Micko Angelo Rivera, sa kanilang oathtaking ceremony kahapon ang kanilang kahandaan na maglingkod sa bayan kasabay ang pangako na buong katapatan silang tutupad sa mandatong ibinigay sa kanila ng mga Garciano.

Pinangunahan ni Hon. Gisela Cecilia A. Mauhay-Valdez, Municipal Judge, ang naturang seremonya na sinaksihan ng ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan at ng kapamilya ng mga lingkod bayan kabilang na ang noo'y alkalde ng Padre Garcia, Kgg. Mike Rivera.
(Photo credits: Ryan Ayong Photography)

Post a Comment

0 Comments