Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa pagninilay, pasasalamat, at pagbabalik-loob...
April 16, 2025
Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa pagninilay, pasasalamat, at pagbabalik-loob sa Panginoon kasabay ng paggunita sa Mahal na Araw o Semana Santa ng buong Simbahang Katolika.
Bilang pagsasabuhay ng mga aral na itinuro sa atin ng pagpapakasakit ni Hesukristo, maging matatag tayo sa pagpasan ng mga personal nating krus sa buhay at nawa ay higit pa nating pag-ibayuhin ang pagiging mga disiplinado at mabubuting mga Garciano.
0 Comments