HAPPENING NOW: Puspusan na ang ginagawang preparasyon ng mga kamarero, tagapangalaga ng mga santo, para sa gaganaping Prusisyon ng Pagpapakasakit mamayang alas singko ng hapon kaugnay ng paggunita sa Miyerkules Santo.
Nagsisilbing isa sa mga lugar ng paghahanda ang CBR Area ng Padre Garcia Municipal Compound kung saan kasalukuyang ginagayakan ang ilan sa mga karakter na magiging kaisa sa nabanggit na prusisyon.
0 Comments