ABISO PARA SA MGA GARCIANO
Ipinababatid sa mga mamamayang Garciano na sarado ang lahat ng mga tanggapan sa lokal na pamahalaan ng Padre Garcia bukas, araw ng Miyerkoles, sang-ayon sa Proclamation No. 727 ng Office of the President na nagdedeklara sa ika-9 ng Abril bilang regular holiday kaugnay ng selebrasyon ng Araw ng Kagitingan.
Gayunpaman, ang mga kawani na nagbibigay ng mga pangunahing serbisyo publiko ay mananatili pa ring nakahanda upang tumugon sa tawag ng tungkulin kung kinakailangan.
0 Comments