School Improvement Plan (SIP) Exit Conference: A BREWtiful Review ng Padre Garcia Integrated National High School





 Nakibahagi ang biseng-biseng kaibigan ng mga Garciano at Sangguniang Bayan Committee Chair on Education, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, sa ginanap na School Improvement Plan (SIP) Exit Conference: A BREWtiful Review ng Padre Garcia Integrated National High School na siyang pinakamalaking sekondaryang paaralan sa bayan ng Padre Garcia.

Bilang tugon sa hamon na higit na maiangat ang kalidad ng edukasyon na natatamasa ng mga kabataang Garciano, nangako ang bise-alkalde ng patuloy na pagsuporta sa paaralan at kaniya ring ipinahayag ang kahandaan ng lokal na pamahalaan na "Maglingkod nang tapat at higit pa sa sapat."

Post a Comment

0 Comments