Magpapasiklaban ng galing sa palakasan, hatawan, at pagandahan ang mga mag-aaral ng Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) sa Battle of the Royal Bos Season 1: A Regal Quest for Glory na opisyal na sinimulan ngayong araw at magpapatuloy hanggang sa darating na Sabado, ika-5 ng Abril.
Nakisaya sa opening program ng kauna-unahang sports fest ng kolehiyo ang mahusay na ina ng bayan at Chairperson ng PGPC Board of Trustees, Mayor Celsa Braga-Rivera, na nagbalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanan noong itinatayo pa lamang nila ang paaralan kasunod ang paalala sa mga kabataan na pairalin ang disiplina sa bawat laban.
0 Comments