KALINGANG GARCIANO

Matapos ang ilang buwan ng pagkakalayo sa kanyang pamilya, si "Nanay Cleopatra", isang 54-anyos na ina, ay ligtas nang naihatid pabalik sa Trece Martires, Cavite kahapon, Marso 27, 2025 bandang ika-4:10 ng hapon, upang muling makapiling ng kanyang mga anak.
Mula sa bayan ng Padre Garcia ay nagtungo ang MSWDO Padre Garcia, sa pangunguna ni Ma’am Wilma Galela, katuwang sina Maria Regina D. Lanto-Delica at Jasmine L. Tapalla (mga Social Workers), Elmer V. Munlawin, ang Traffic Aide na si Julieta C. TaΓ±on, at ang kanilang nakasamang driver na si Ronnie Cabral sa Trece Martires, Cavite upang maisakatuparan ang kanyang ligtas na pagbabalik.
Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon sa CSWDO Trece Martires, agad na natunton at naibalik si "Nanay Cleopatra" sa kaniyang anak.
Sa kabila ng kaniyang mga pinagdaanan at ilang buwang pananatili sa pamilihang bayan ng Padre Garcia, isang bagay ang nananatiling totoo: anumang mangyari, laging may anak na naghihintay at handang tumanggap sa inang nangungulila.
Photos: MSWDO Padre Garcia
0 Comments