Itinampok ng mga Garcianong pet owners ang kani-kanilang mga alagang aso at pusa sa Dog and Cat Show & Parade na inorganisa ng Municipal Agriculture Office sa pangunguna nina Dr. Ohmie Diaz (Municipal Agriculturist), Dra. Evelyn Mamiit-Diokno (Livestock Inspector), at Hon. Artemio Gonzales (SB Committee Chair on Agriculture) kaugnay ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso.
Nagpaabot ng suporta sa aktibidad ang masipag na ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at maging ang mga veterinary supply sellers and distributors sa bayan ng Padre Garcia na namigay sa mga kalahok ng libreng dog and cat foods.
0 Comments