Humakot ng medalya ang mga mag-aaral mula sa bayan ng Padre Garcia

 


Humakot ng medalya ang mga mag-aaral mula sa bayan ng Padre Garcia sa katatapos lamang na Regional Festival of Talents, Regional Schools Press Conference, at Regional Athletic Association Meet na agad binigyan ng natatanging pagkilala ng lokal na pamahalaan.

Pasok sa National Festival of Talents si Nicole Antonio Batilo ng Bawi Elementary School, samantalang lalahok sa National Schools Press Conference si Elisha Ilagan mula sa San Felipe Elementary School, at magsisilbi namang kinatawan ng CALABARZON Region sa Palarong Pambansa sina Reinier Escalona ng Padre Garcia Central School at Ayeisha Kamylle Aguilar mula sa Tangob Elementary School.

Post a Comment

0 Comments