Groundbearking Ceremony of Padre Garcia Central school Multi-Purpose building

 




Magbibigay-daan sina Senator JV Ejercito at ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia, na pinangungunahan ni Mayor Celsa Braga-Rivera, sa pagtupad ng pangarap ng mga kabataang Garciano kasabay ng pagtatayo ng dalawang palapag na makabago at fully-airconditioned na Multi-Purpose Building sa Padre Garcia Central School.

Sa ginanap na groundbreaking ceremony kaninang umaga, nagpakita ng suporta si Cong. Lianda Bolilia samantalang nangako sa mga school heads ang biseng-biseng kaibigan ng mga Garciano at Sangguniang Bayan Committee Chair on Education, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, na ito ay simula pa lamang at sisikapin niyang mabigyan ng mga bago at modernong gusali ang lahat ng mga paaralan sa bayan ng Padre Garcia.

Post a Comment

0 Comments