Binuksan kahapon ng mga miyembro ng Building Unity, Community and Active Leadership (BUCAL) SLP Association ng Brgy. Bukal

 




Binuksan kahapon ng mga miyembro ng Building Unity, Community and Active Leadership (BUCAL) SLP Association ng Brgy. Bukal ang kanilang pangkabuhayang mini-talipapa sa pamamagitan ng kanilang natanggap na tatlong daang libong piso (Php 300,000.00) mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia at ng Deparment of Social Welfare and Development (DSWD).

Binisita ng mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ng kanilang department head, Ma'am Wilma P. Galela, ang opening ng naturang tindahan upang mangumusta sa grupo at magbigay ng payo para sa matagumpay na pagpapalago ng kanilang negosyo.

Post a Comment

0 Comments