Pinadaloy ng Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II) ang pagmamahal sa bayan ng Padre Garcia

 





Pinadaloy ng Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II) ang pagmamahal sa bayan ng Padre Garcia matapos maghandog ang kooperatiba, sa pangunguna ni Dir. Marlino Braga, ng tatlumpung (30) solar street lights at tatlumpung (30) electric fan para sa mga mamamayang Garciano.

Kaagad namang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ang mga natanggap na handog sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Padre Garcia na personal na tinanggap ng mga school heads sa pangunguna ng mahusay na Public Schools District Supervisor, Dr. Raul Napeñas.

Post a Comment

0 Comments