JUST IN: Inaprubahan sa 115th Regular Session ng Sangguniang Bayan ngayong Miyerkules ang isang resolusyon na nagpapalawig sa Business Permit One Stop Shop 2025 ng lokal na pamahalaan hanggang sa ika-20 ng Pebrero.
Kasalukuyan namang naghahanda ang mga miyembro ng konseho para sa nakatakdang budget hearing kasama ang Liga ng mga Barangay at mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa bayan ng Padre Garcia.
0 Comments