Inulan ng magagandang balita mula sa Padre Garcia Polytechnic College (PGPC) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) ang ginanap na flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ngayong unang Lunes ng buwan.
Nagbalik-tanaw naman ang mahusay na ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, sa mga pinagdaanan ng kaniyang administrasyon bago unti-unting nakamit ng pamahalaang bayan ang mga tagumpay na kasalukuyan nitong nararanasan.
0 Comments