Ceremonial Turnover ng bagong garbage truck na kaloob ng pamunuan ng Lipa Grill Restaurant





 Sinaksihan nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang Ceremonial Turnover ng bagong garbage truck na kaloob ng pamunuan ng Lipa Grill Restaurant sa Sangguniang Barangay ng San Felipe na pinangungunahan ni Kap. Noriel "Ebol" Miranda.

Isa ang Lipa Grill Restaurant sa mga establisimyentong aabangan sa magbubukas na Hapi Jockey Club sa nasabing barangay na inaasahang higit na magpapayabong ng turismo at magpapaunlad ng ekonomiya ng bayan ng Padre Garcia.

Post a Comment

0 Comments