ABISO PARA SA MGA GARCIANO

 


ABISO PARA SA MGA GARCIANO

Muling maghahandog ng Free Chest X-ray ang lokal na pamahalaan ng Padre Garcia katuwang ang Culion Foundation, Inc. bukas, ika-11 ng Pebrero, para sa mga miyembro ng TODA, urban poor, senior citizens, healthcare workers, at mga Garcianong naninigarilyo, may diabetes, hypertension, HIV, cancer, at iba pang autoimmune illnesses.
Isasagawa sa CBR Area ng Municipal Compound ang nasabing programa na magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga at magpapatuloy hanggang sa makumpleto ang isang daan at limampung (150) mga benepisyaryo.

Post a Comment

0 Comments