Tumanggap ng libreng flu vaccine ang nasa isang daang (100) mga senior citizens na Garciano handog ng Rotaract Padre Garcia sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si G. Renz Nathaniel Baylen at ng Rotary Club Padre Garcia na pinangungunahan naman ni G. Alexander Macalintal.
Naglunsad din ng kaparehong programa ang Padre Garcia LGU, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Gov. Mike Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, para sa mga kawani ng lokal na pamahalaan.
0 Comments