Naglaan ng oras ang mapagmahal na ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, sa pakikipag-usap nang personal sa mga Garcianong nagtungo sa kaniyang opisina ngayong araw upang dumulog ng iba't ibang mga usapin at kahilingan.
Sinisigurado ng mahusay na lingkod bayan na palaging bukas ang kaniyang tanggapan upang tumulong sa mga nangangailangan at maiparamdam na ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ay abot-kamay ng mga mamamayan.
0 Comments