Humarap sa mga kinatawan ng Commission on Audit (COA) ang masipag na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, at ang mga department heads ng lokal na pamahalaan sa
pangunguna ng pambayang administrador, G. Christopher Comia, para sa Entrance Conference ng Local Government Unit of Padre Garcia.
Isinasagawa ang entrance conference bilang hudyat ng taunang pagsusuri ng COA sa pampinansyal na kalagayan ng pamahalaang bayan at upang matiyak na nasusunod ng bawat tanggapan ang mga batas ukol sa paggamit ng pampublikong pananalapi.
0 Comments