HAPPENING NOW: Umaarangkada muli ang Free Chest X-ray na handog ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia katuwang ang Culion Foundation, Inc. para sa mga miyembro ng TODA, urban poor, senior citizens, healthcare workers, at mga Garcianong naninigarilyo, may diabetes, hypertension, HIV, cancer, at iba pang autoimmune illnesses.
Nakatakda ang susunod na pasada ng mobile clinic ng nasabing programa sa ika-11 ng Pebrero, araw ng Martes, kung saan nasa isang daan at limampung (150) katao ang muling mahahandugan ng libreng chest x-ray.
0 Comments