HAPPENING NOW: Nagsimula na ang programang Postal ID 1-Day Capturing na handog ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia para sa mga Garciano na kasalukuyang isinasagawa sa Municipal Auditorium at magpapatuloy hanggang mamayang ika-3:30 ng hapon.
Para sa mga nagnanais humabol, maghanda ng halagang limang daan at limampung piso (Php 550.00) at magdala ng original at photocopy ng valid ID, barangay clearance, birth certificate, at marriage contract para sa mga babaeng mayroon nang asawa.
0 Comments