HAPPENING NOW: Sinusulit ng mga senior citizens at mga dialysis patients and persons with comorbidities edad 18 pataas ang pagkakataon na makatanggap ng bakuna kontra flu na kasalukuyang inihahandog nang libre ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Gov. Mike Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Nagpaalala naman ang Padre Garcia RHU na kinakailangang walang ubo at sipon ang sinumang Garciano na nagnanais humabol at makiisa sa free flu vaccination na magpapatuloy hanggang mamayang alas-tres (3:00) ng hapon sa CBR Area ng Municipal Compound.
0 Comments