Sinulit ng mga kabataang manlalaro ang nagdaang bakasyon sa pamamagitan ng pakikiisa sa Free Basketball Clinic na inorganisa nina Mr. Jr Decena at Ms. Joy Fajardo Decena ng Decena Foundation, Inc. sa pakikipag-ugnayan kina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Gov. Mike Rivera, Konsehal Erwin "Inog" Estole, at SK Federation President Raphael Dimayuga.
Mahigit isang daang (100) mga atletang Garciano ang napagkalooban sa nasabing programa ng libreng bola magmula kay Konsehal Inog na siyang Committee Chair on Sports kalakip ng libreng pangunahing pagsasanay sa larong basketball.
0 Comments