ABISO PARA SA MGA GARCIANO!!!



 ABISO PARA SA MGA GARCIANO

Magtatapos na sa Biyernes, ika-31 ng Enero, ang Business & Tricycle Franchise One Stop Shop 2025 kung kaya't ang lahat ng mga transaksyong isasagawa kaugnay sa mga ito mula sa unang araw ng Pebrero ay magkakaroon na ng kaukulang penalty.
Hinihikayat ang lahat ng mga Garciano na samantalahin ang huling linggo ng nasabing programa at kaagad na magtungo sa first floor ng Municipal Main Building para sa business permit at sa unang palapag naman ng gusali ng Sangguniang Bayan para sa tricycle franchise.

Post a Comment

0 Comments