Aarangkada na bukas ang Business One Stop Shop 2025 ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia



 Aarangkada na bukas ang Business One Stop Shop 2025 ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia, sa pangunguna nina Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Gov. Mike Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na magpapatuloy hanggang sa huling araw ng Enero.

Hinihikayat ang lahat ng mga Garciano na samantalahin ang pagkakataong ito na makapag-renew ng business permit, makapagbayad ng amilyar ng lupa, makakuha ng prangkisa ng tricycle, at makapag-asikaso ng iba pang mga bayarin upang maiwasan ang pagkakaroon ng penalty.

Post a Comment

0 Comments