Umihip ang simoy ng Kapaskuhan sa Padre Garcia Municipal Auditorium matapos i-anunsyo sa flag raising ceremony ngayong umaga na sa darating na Biyernes na ang inaabangang general assembly at year end evaluation ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat ang mahusay na ina ng bayan, Mayor Celsa Braga-Rivera, sa magandang performance ng pamahalaang bayan ngayong 2024 kasabay ang pagbibigay ng hamon na higitan pa ito sa darating na bagong taon.
0 Comments