Nakisaya ang mapagkalingang ina ng bayan, Kgg. Celsa Braga-Rivera, sa selebrasyon ng National Children's Month sa bayan ng Padre Garcia na ginanap noong nakaraang linggo sa Municipal Cultural Center sa Brgy. Quilo-Quilo North.
Inilahad din ng punong bayan sa kaniyang State of the Children Address ang mga programa at hakbang na isinasagawa ng lokal na pamahalaan bilang pangangalaga sa mga kabataan partikular sa mga larangan ng survival, development, participation, protection, at governance.
0 Comments