Pamaskong Handog 2024





 

Pinag-alab ng pamahalaang bayan ng Padre Garcia ang pagmamahal sa mga gurong Garciano kasabay ng pamamahagi kaninang umaga ng mga grocery packs na papasko ng mga lingkod bayan: Mayor Celsa Braga-Rivera, Vice Mayor Micko Angelo Rivera, Gov. Mike Rivera, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamilya ng DepEd Padre Garcia Sub-office.

Umabot sa pitong daan at walumpu't siyam (789) na mga teaching at non-teaching personnels sa bayan ng Padre Garcia ang nabigyan ng pamaskong handog mula sa lokal na pamahalaan kabilang ang mga katekista ng Most Holy Rosary Parish.

Post a Comment

0 Comments