Natanggap na ng isang libo, tatlong daan, at dalawampu't tatlong (1,323) mga senior citizen...





 Natanggap na ng isang libo, tatlong daan, at dalawampu't tatlong (1,323) mga senior citizen mula sa Brgy. Quilo-Quilo South, Brgy. Quilo-Quilo North, Brgy. Banay-Banay, at Brgy. Pansol ang kanilang social aide na kaloob ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia.

Samantala, nakatakda namang isagawa bukas ang payout ng nasabing financial assistance para sa siyam na iba pang mga barangay: Manggas, San Felipe, San Miguel, Banaba, at Tamak sa umaga at Bawi, Castillo, Tangob, at Poblacion sa hapon.

Post a Comment

0 Comments