Nakiisa ang Commission on Elections (COMELEC) Padre Garcia sa paglulunsad ng Voter Education and ACM Demonstration na isinagawa ngayong hapon sa Municipal Auditorium sa pangunguna ni Municipal Election Officer, Gng. Monette Mangubat.
Kasama ang mga kandidato sa susunod na halalan at ang ilang mga kawani ng lokal na pamahalaan, isang mock election ang ikinasa upang subukan ang pinakabagong Automated Counting Machine (ACM) na gagamitin ng COMELEC sa paparating na 2025 National and Local Elections.
0 Comments