Isasarado ng lokal na pamahalaan ng Padre Garcia tuwing 6:00 hanggang 11:00 ng gabi ang kahabaan ng A. Mabini Street simula ngayong araw, ika-6 ng Disyembre, araw ng Biyernes.
Ang nasabing hakbang ay upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga Garciano at mga turista na bumibisita sa pailaw at mga dekorasyon sa nasabing lansangan.
0 Comments